Una sa Balita

Vice Ganda nairita sa kapalpakan ng PGT Host

By
0 8,304

Nagalit nga ba si Vice Ganda kay Billy Crawford dahil sa biglaan nitong pag-announce ng pasok sa Pi­lipinas Got Talent? Sa Pilipinas Got Talent semifinals nga last Sunday ay sina Julius, Rhea (wheelchair dance) at Miggy Hizon (yoyo tricks) ang natira na kailangang pagbotohan ng mga hurado na sina Angel Locsin, Robin Padilla at Vice Ganda.

Naunang nagsalita si Angel, at ang boto nga niya ay ibinigay niya kina Julius, Rhea, na dapat lang naman dahil siya nga ang nagbigay ng ‘golden buzzer’ sa dalawa sa audition ng PGT.

Ang kasunod na nagsalita ay si Robin, at sa simula ay pinuri niya si Miggy, na kesyo bata pa ito at marami pang puwedeng puntahan. Wala siyang sinabi na boto niya, kaya inulit ni Billy ang tanong kung sino ang boto niya.

“Ay, hindi pa ba maliwanag? Sina Julius, Rhea ang boto ko,” sabi ni Robin.

Kaya si Billy, automatic na nag-announce. Dahil tatlo nga lang naman silang mga hurado (nasa bakasyon ang isa pang hurado na si Freddie M Garcia).

“We have 2 votes for Julius and Rhea, at dahil diyan pasok na kayo sa grand finals!” pag-announce ni Billy.

Meaning, wala nang saysay ang sasabihin ni Vice, dahil nauna na ngang na-announce ang pasok sa grand finals.

“Wala na, in-announce niyo na!” sabi ni Vice.

“Wala na, tatlo lang kayo, eh,” sagot naman ni Billy.

“Masabi lang na may nasabi ako. Pero, kahit ano man ang kalabasan ngayon, ang tanging nanalo sa gabing ito ay ako, dahil may korona ako,” pabirong hirit ni Vice.

“Obviously pasok na sina Julius at Rhea, at for formality na lang talaga ito.

“Kung ako ang pangalawang boboto, magiging crucial ang boto na ito.

“At Miggy, you don’t deserve a zero vote tonight, kaya iboboto kita,” sey ni Vice Ganda.

Anyway, knowing Vice and Billy, na best friends for life ang turingan, waley lang ang eksenang ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More