Una sa Balita

Vice Ganda nairita sa joke nina Bea, Angelica

0 725

Bumisita nga sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban sa “Gandang Gabi Vice” noong Linggo (Nov. 24) para mag-promote ng kanilang movie under Star Cinema na “Unbreakable”. Very close ang dalawa kay Vice Ganda, kaya laugh trip ang mga bukingan at kulitan nila.

Syempre, hindi rin napigilang mapunta sa usapang pag-ibig ang kanilang balitaktakan. Sabi ni Vice, very positive siya na makakahanap ang dalawang aktres ng magiging kabiyak nila, lalo na’t ang gaganda nila.

“Ako nga, ako lang ito ha? May nagmamahal sa akin ngayon. Lalo na siguro kayo,” sabi pa ni Vice.

“Maganda kasi puso mo girl,” tugon naman ni Angelica.

“Kami kasi pinagtitibay pa,” sambit pa ulit ni Angelica.

“Paano ka nagtiwala ulit? Paano mo nalaman na ‘uy, bibigay ko rito puso ko,’” tanong naman ni Bea.

“It just happened,” sagot ni Vice na sinundutan naman ni Angelica na;

“O baka wala na lang choice,” sabay nagtawanan ang dalawa, pati na ang audience.

Dito na nagbago ang ihip ng hangin dahil si Vice, nabuwisit sa hirit ng kaibigan.

“Wala akong natatandaang sinabing masama sa’yo para ganituhin mo ‘ko! Lokohin ka sana ulit,” biro ng Unkabogable Star kay Angelica.

May hirit din si Bea sa “ako lang ‘to” na expression ni Vice. Parang nagyayabang daw kasi ang “It’s Showtime” host kapag sinasabi niya ‘yon.

“Pinapataas ko nga ‘yung worth niyo. ‘Pag masaya ka talaga, may mga kaibigan kang inggitera,” sambit ni Vice.

Siyempre, tawa nang tawa ang dalawang aktres na obvious na inaasar lang ang kaibigan.

Pero tama naman si Vice. For sure may darating na tamang tao para kina Angelica at Bea. Sa ngayon, nood muna kayo ng movie nila na “Unbreakable”, showing na ngayong November 27! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More