Una sa Balita

Vice Ganda muntik mapisak ng mga fan sa karinderya

By
0 4,195

Binulabog ni Vice Ganda ang mga pasahero sa isang dyip sa Quezon City dahil sa biglaan niyang pagsakay kasama ang mga kaibigan. Nagkagulo ang mga pasahero, dahil hindi nila inaasahan na ang super sikat na tulad ni Vice ay magdyi-dyip at makikipagtsikahan sa kanila.

At hindi pa roon natapos ang kuwento dahil lahat ng pasaherong babae sa dyip ay binigyan pa niya ng negosyo niyang lipstick (Vice cosmetics).

Naglakad-lakad din sa ilang kalsada si Vice, at sa bawat makasalubong niyang babae ay binibigyan niya ng lipsticks, ha! At nakakaaliw na kumain din sila ng grupo niya sa isang karinderya na kung saan ay bigla ngang dumagsa ang maraming tao.

“Ang simpleng pagkain sa karinderya, naging premiere night,” caption pa ni Vice sa IG stories niya, na pati ang mga barangay tanod ay nagtulong-tulong na rin para hindi mapisak si Vice Ganda.