Una sa Balita

Vice Ganda, Kris magkasamang nanood ng ‘I Love You, Hater’

By
0 720

Nakatulong ang pag-amin ni Kris Aquino na ‘nagkulang’ din siya kay Vice Ganda, kaya parang medyo nagkalayo sila. ‘Yun nga yung hiniling ni Vice na mag-special participation si Kris sa movie niya sa MMFF, na kung saan ay kalaban ni Vice sa takil­ya noon si Coco Martin.

Isa nga si Vice Ganda sa sinasabi ng mga tao na nakalimutan na si Kris. Kasi nga, noong nasa ABS-CBN pa si Kris, at president ang kapatid niyang si Noynoy Aquino, sobrang close nilang dalawa, to the point na ‘asawa’ nga ang tawag nila sa isa’t isa.

Pero recently nga, naging matamlay ang pagsasama nila. At sa grand finals ng Miss Q & A na kung saan ay isa sa mga hurado si Korina Sanchez, naging super nice si Vice sa kanya.

Binigyan ng malisya ng mga tao ‘yon, dahil alam naman ng lahat na ‘magkaaway’ sina Kris at Korina ngayon,­ dahil kay James Yap.

Anyway, hindi ko pa alam ang de­talye kung paano naayos ang ‘friendship’ nina Kris at Vice.

Pero, kagabi nga, dapat sana ay magpapa-block screening si Vice Ganda para sa pelikulang ‘I Love You, Hater’ ni Kris, kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Pero dahil sa punuan na ang mga sinehan, at wala nang maibigay na libre, o bakanteng sinehan ang Trinoma cinema sa grupo nina Vice, nanood na lang sila ng sine, kasama ang ibang tao.

Bumili na lang ng maraming tiket si Vice para ma-accommodate ang mga kasamahan niya. At ‘yun nga, magkasama sila na nanood ng ‘I Love You, Hater’.

So, ayan, ha maayos na ang samahan nilang dalawa. Konting usap lang pala ang kailangan para maging okey ang lahat. ()