Una sa Balita

Vice Ganda itinanggi ang ‘relasyon’ kay Marco Gumabao

0 1,527

abante-anything-goes-jun-lalinIsa si Vice Ganda sa napakaraming sumuporta sa All Star Game 2018 ng Star Magic noong Sunday sa Smart Araneta Coliseum.

Aba, tsika-tsika si Vice with Marco Gumabao, kaya ang iba, akala, ang hunky actor ang ka-date roon ng “It’s Showtime” host.

Eh, magulo sa nasabing basketball game, kaya nang kinagabihan na nakita ko si Vice sa 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde sa Crowne Plaza Hotel, inusisa ko talaga ang TV host/comedian.

“My gosh, si Marco ba ka-date mo kanina?!” pang-uusisa ko.

“Ano ka ba, hindi! Nagkita lang kami roon. Anak-anakan ko ‘yon!” depensa naman kaagad ni Vice.

Iniba ko naman ang usapan at tinanong ko si Vice kung kanino siya nag-cheer, kaya nagpunta siya sa nasabing basketball game?

“Siyempre, kay Richard (Gutierrez) ako nag-cheer! Nag-support ako kay Richard, magkatabi pa kami nina Sarah (Lahbati) at Zion! Hahaha!” natatawang sabi ni Vice.

Hmph! Ayaw umamin ni Vice, huh!

For sure, nag-cheer naman talaga si Vice kay Richard dahil close ang dalawa at magkasama sila sa Metro Manila Film Festival 2018 official entry na “Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya” ng Star Cinema at Viva Films, pero sino pa kaya ang ibang dahilan ng pagpunta ng TV host/comedian sa All Star Game 2018?

Siyempre, kung babanggitin ko ang pangalan ni Ronnie Alonte, sasabihin na naman ni Vice na anak-anakan niya ang nasabing Hashtag member, ‘noh?!