Una sa Balita

Vice Ganda itinaboy sa Barcelona church

0 1,163

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy

Bukod sa pamama­yagpag sa takilya ng Fantastica, may isa pang achievement si Vice Ganda na para sa kanya ay pinakamalaki at walang kapantay. Mababasa ito sa kanyang Instagram post kalakip ang larawan nila ng kanyang ina habang nasa labas ng isang lumang simbahan.

Ang larawan ay kuha sa isang malaking simbahan sa Barcelona kung saan naroon ang Sagrada Familia. Ayon sa caption ni Vice, nung nakaraang taon pa binanggit ng kanyang ina na isa sa mga hi­ling niya ang makapunta sa Barcelona, Spain para makita ang Sagrada Familia.

Naibigay ito ni Vice sa kanyang ina, pero nagkaroon sila ng problema dahil kinakailangan palang mag-place ng advance booking para makapasok sa simbahan. Nagawan ito ng paraan sa tulong ng koneksiyon at mga kaibigan ni Vice sa Barcelona.

Ang isa pang problema ay isa lang ang puwedeng pumasok, kaya naman hinayaan na lang niya ang ina na matupad ang pangarap nito kahit mag-isa lang ito. Patuloy pa ni Vice, matiyaga niyang hinintay ang ina sa paglabas nito gaya ng isang anak na paslit na naghihintay sa pagda­ting ng kanyang ina.

Pinakamaligaya si Vice na anak sa buong mundo dahil naibigay niya ang kahilingan ng kanyang ina. Sa panahong ito na may edad na ang kanyang ina, dito na nakatuon ang pansin ng komedyante at maibigay ang lahat ng nainisin nito.

Angel, Neil pakakasal na

Larawan ng sobra-sobrang kaligayahan sina Angel Locsin at Neil Arce sa New Year’s photo nila.

“Happy New Year ko,” caption ni Neil.

So, mali nga ang mga tsismis na naghiwalay sila last year. At malinaw na nga nga­yon na lalong tumatag ang relasyon nila.

Dalangin ng mga supporter ni Angel na magkatuluyan na sila ni Neil. At feeling nila, baka magpakasal na ang dalawa ngayong 2019.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy