Una sa Balita

Vice Ganda, Ion tuloy ang lambingan sa Canada

0 539

Super happ­y si Vice Ganda nga-yon dahil kasama niya sa Canada ang dalawa sa nagpapaligaya sa kanya, at mahal na mahal niya. Una na nga ang nanay niya, na second time raw makakarating sa Canada, at siyempre, panga-lawa ay si Ion Perez.

Sa Instagram story ni Vice, panay nga ang video niya ng mga kaganapan sa nanay niya. Bawat kilos nga ng madir niya ay bini-video niya, mula sa pagla-lakad nito sa airport, hanggang sa pagkain nito.

Feel na feel mo nga ang closeness nilang dalawa, na maya’t maya ay binibiro ni Vice ang mudrabels niya.

At siyempre, hindi rin pahuhuli si Ion, na bawat kilos ng binata ay bini-video rin niya. Pati nga ang pagkain nito ng burger ay detal-yado niyang kinunan na kinaaliwan niya.

Well, bongga naman na magkasundo rin ang nanay niya at si Ion, ha! At siguro naman, sa sobrang subsob ni Vice Ganda sa trabaho, deserve naman niya na maging maligaya, at knows naman ‘yon ng nanay niya, ‘di ba?

Kaya klap, klap, klap sa mga nanay na nauunawaan ang puso ng mga anak nilang badikla. (Dondon S­ermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy