Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vice Ganda, Ion Perez ‘nagtalo’ sa damit

0 261

Kaloka lang, na pati pala ang mga sinusuot ni Ion Perez ay si Vice Ganda ang nasusunod. Sa ‘It’s Showtime’ nga ay napag-usapan nila ang tungkol sa suot ni Vice na animal print.

Nagrereklamo kasi si Ion kay Amy Perez, na siya raw ay sinita ni Vice sa pagsusuot ng animal print na shirt/polo, samantalang ito, nagsusuot ng ganung klase ng damit.

SM food to go Banner Ad

“Minsan kasi nag-dinner kami, ang suot niya animal print. Pag-uwe namin, sinabihan ko siya na, ‘wag ka nang magsusuot ng animal print, itapon mo na `yon lahat.’ Tapos, nakita ko na lang siya, ‘yung mga animal print na shirt/polo niya, nilagay niya sa isang box.

“Kaya ngayong nakita niya akong naka-animal print, sinisita niya ako. Sabi niya, ‘unfair naman, ikaw puwede mag-animal print, tapos ako hindi.’ Hahahaha!” natatawang kuwento ni Vice.

Well, so pati pala sa pananamit ay si Vice Ganda ang nasusunod kay Ion. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.