Una sa Balita

Vice Ganda, Ion nag-iyakan matapos mag-‘I Love You’ sa isa’t isa

0 585

OMG! Bumuhos ang emosyon ng mga host sa “It’s Showtime” nitong Biyernes dahil sa ‘di inaasahang reaksyon nina Vice Ganda at Ion Perez sa biruang magsabi ng “I love you” sa isa’t isa.

Nag-umpisa ‘yon sa pagpansin ng mga host na sina Anne Curtis at Vhong Navarro sa style ng pananalita ni Ion na parang laging malakas at pagalit.

Hirit na tanong si Anne ay kung ganoon rin ba ang paraan ng pagsasalita ni Ion kapag nakikipag-i love you-han kay Vice?

Todo hiyawan ang ibang host at ang madlang pipol sa tanong na ‘yon ni Anne.

Tinanong naman ni Vhong kung gaano kalakas sinasabi ni Ion kay Vice ang salitang “I love you” o ‘di kaya’y “mahal kita”. Napatingin muna si Kuya Escort kay Vice at hindi nga rin agad ito nakasagot sa tanong ni Vhong.

Bilang sport sa asaran, binitawan na rin ni Ion ang salitang “I love you” kay Vice na pasigaw. Pero nang gatungan pa ni Anne na si Vice ay dapat ding magsabi ng I love you kay Ion, dito na hindi agad nakaporma si Vice.

“Walang malisya ‘to, ‘tol!” hirit pa ni Anne.

“Eksena kayong dalawa na lang ang tao sa mundo, magsasabi ka lang ng nararamdaman mo sa kanya,” dagdag pa ni Vhong.

“Tutal tayo namang dalawa na lang sa mundo, siguro ito na ‘yung pagkakataon ko para sabihin ko ‘yung nararamdaman ko,” hirit na ni Ion kay Vice.

“Ano ‘yun?” pabebeng sagot ni Vice.

“I LOVE YOU!” malakas na sinabi ni Ion.

Ang nakakaloka riyan ay nu’ng turn na ni Vice magsabi ng “I love you” kay Ion, hindi naitago ni Kuya Escort ang emosyon at bigla nga itong naiyak. Sabay na ring umiyak si Vice hanggang sa nadala na rin si Anne.

Matagal-tagal na ring umuugong ang isyu na may namamagitan kina Vice at Ion pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito nililinaw sa publiko at palagi lamang sinasabi na mahal nila ang isa’t isa bilang kaibigan o ‘di kaya espesyal sila sa bawat isa.

Anyway, nang tanungin naman ni Vhong si Ion kung ano ang dahilan ng kanilang pag-iiyakan, ang sabi ni Ion ay: “Ang sarap makita na masaya ‘yung taong mahal mo.”

Oh, ‘di ba? Mapapa-OMG ka na lang talaga. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy