Una sa Balita

Vice Ganda inalok ng ‘kasal’ ni Ion

0 748

‘Say yes please…’

Sa araw-araw na panonood ng telebisyon ng mga tao, isa sa mga inaabangan ng mga netizen ay ang phenomenal comedian na si Vice Ganda. Pero kamakailan nga ay kapwa hindi present sa noontime show na “It’s Showtime” sina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez.

Tanging sina Ate Girl Jackie at Hashtag Nico (pansamantala) ang nangungulit sa segment na ‘KapareWho’. Gayunpaman, updated pa rin ang mga fan sa mga kaganapan nina Vice Ganda at Ion sa pamamagitan ng social media.

Mas nakakaintriga nga ngayon ang mga kaganapan sa pagitan ng dalawang “Showtime” personalities dahil palagay ng mga fan ay magkasama nga sina Vice Ganda at Ion sa Baguio.

Naloka pa ang mga fan nang mag-post si Ion sa Instagram story nito na nagsasabing “Say ‘YES,’ please!”

Unang hinala ng mga fan ay balak na pakasalan ni Ion si Vice pero kinalaunan ay naisip nila na posibleng may kinalaman naman sa paparating na Star Magic Ball upang sila ang maging magka-date sa gabing iyon.

Hindi na nga makapaghintay ang mga fan na makita ang da­lawa na magka-date sa espesyal na kaganapang iyon, at kung sakali, iyon din ang unang beses na lalabas sila sa publiko bilang magka-date.

Mas nag-ingay pa ang mga fan at umulan ng repost nang mag-Instagram story si Ion habang pinanonood sa TV si Vice na may caption pang “That’s my (queen emoji).”

Bukod pa riyan, may kumakalat din na litrato na may suot na sing­sing si Vice which is mas natutunugan ng mga fan na may kinalaman sa “Say ‘YES’ Please!” na IG story ni Ion.

So, ang tanong ng lahat, “What is the meaning of these?”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy