Una sa Balita

Vice Ganda imbyerna sa kayabangan ni Kit

0 813

Inamin ni Vice Ganda sa kanyang show na “Gandang Gabi Vice” na may kinairitahan siyang guest noon, at ito ay walang iba kundi ang aktor na si Kit Thompson.

Kinainis daw ni Vice ang pagiging mayabang ni Kit at ang hindi raw nito pagsagot nang maayos sa mga tanong sa kanya during the interview.

“Yung unang guesting niya na hindi pinalabas. Pero ‘yung mga sumunod na guesting, napalabas na. Okay na, welcome na ulit si Kit Thompson sa GGV.

“Pero ‘yung una talaga, as in wala. ‘Yung parang mayabang lang siya. Ayaw sumagot ng ano… Wala,” sabi ni Vice. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More