Una sa Balita

Vice Ganda, Heart nag-ala Santa Claus sa mga fan

0 502

Oktubre pa lang pero tila napaaga ang pagbabahagi ng mga blessing ni Santa Claus sa pamamagitan ng dalawang artista mula sa Kapamilya at Kapuso network. Kapwa in na in ngayon ang mga makeup at clothing line nina Vice Ganda at Heart Evangelista na tipong pressured agad ang mga fan tuwing may bagong lalabas na design o kung ano man.

So ang ilan sa mga fan ay todo emote sa Twitter na hindi sila agad nakakabili ng mga produkto ng kanilang mga idolo dahil hindi pa swak sa budget nila. Marami ang may kanya-kanyang emote sa Twitter pero bilang lamang ang napapansin ng mga big star na ito na siyang ikinagulat talaga ng mga fan. Na of all people, sila ang napili ng kanilang idolo na bigyang-pansin.

Unang napansin ni Vice ay ang estudyante na may gaganaping ball kung saan nais niyang ang Unkabogable Star ang mag-ayos sa kanya at humiling din na kung maaari ay gamitan siya ng cosmetic product na pag-aari nito. Hindi inaasahan ng naturang fan na sasagot sa kanya si Vice at talagang willing na willing itong tulungan ang bata.

“@vicegandako meme vice we have a senior ball in our school and then the theme is Modern Filipiniana, I hope na mabihisan niyo ko meme vice christmas gift narin po hihihi, nakakahiya man pero kakapalan ko na mukha ko para maging maganda sa ball and slay like you. Thank you meme.” hiling ng isang fan kay Vice.

“So u wanna experience slaying the red carpet just like me? When is ur ball?” sagot ni Vice sa naturang fan.

Hindi na nagpaligoy ang fan sa sobrang excitement at sinabing sa December 13 gaganapin ang ball.

Sumagot naman ulit ang komedyante, sinabing “San ang venue? Anung level of chugugness ang gusto mong ma-achieve sa ball? Gusto mo ba yung pagdating mo mag-uuwian na sila?”

Si Heart naman, isang concerned boyfriend ang nagbahagi ng hinaing na gusto niyang bilhan ang kanyang girlfriend ng product ni Heart pero hindi pa sapat ang kanyang budget.

“@heart021485, from perfumes, gadgets, bags down to clothes and dresses, idol na idol ka ng gf ko .. easy on me, no budget pa para sa lahat ng ineendorse mo eh hahahaha,” hinaing ng fan sa Twitter.

Aba’t laking gulat ng mga fan na nag-reply dito si Heart kung saan una ay akala ng aktres na agad niyang masi-sendan ito ng message sa Twitter pero mukhang private masyado ang account. Hindi ito tinigilan ng aktres hanggang makausap niya ang naturang fan sa private message.

Bukod pa riyan, mayroon pang fan ang nagbahagi ng kanyang concern na nabuhusan nga ng tubig ang kanyang magazine na kung saan wala umano itong choice kundi plantsahin ito para maayos ito. Nabuo naman ang araw ng fan nang mag-reply ang aktres at sabihing “please allow me to DM you”. Alam na!

Grabe, umaapaw ang generosity ng dalawang celebrity na ito, ha! Sana all nabibigyan ng pagkakataong mabahagian ng blessings ng mga naturang artista. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy