Una sa Balita

Vice Ganda gustong mayakap ng HIV positive

0 335

Hindi ako sure kung nabasa na ni Vice Ganda ang mensahe sa kanya ng isang fan niya, na nagpakilala na diumano ay HIV positive. Hindi ko na lang isusulat ang name niya, at hayaan na lang na si Vice Ganda mismo ang makadiskubre sa Twitter account niya kung sino ang tao na ‘yon na gusto siyang ma-yakap, at pasalamatan.

Heto nga ang open letter ng fan na itago na lang natin sa inisyal na YL.
“Isa lang sana ang hiling ko na mapansin mo ako at makita, ma-hug ka in person. Pangarap ko po ‘yun simula pa noon. I am praying for that. I know in God’s will. I love you Meme Vice.

“Hello Meme. I know na hindi mo ako kilala personally. I am YL. And I am Person living with HIV/HIV positive. And AIDS Survivor. I just want to say thank you for making me happy nung mga panahon na nagre-recover pa.”

Anyway, kahapon naman ay ang may pasimpleng tinalakan si Vice dahil tinira naman ang kanyang kaibigan na si Moira.

“Nabasa ko sa profile mo na may pinag-aralan ka naman. Pero sana pag may time ka matutunan mo din ang EMPATHY at SYMPATHY,” say ni Vice sa fan na nagsabing ‘sana ay pinalitan na lang si Moira, kung may sakit siya.’
Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy