Una sa Balita

Vice Ganda ‘di threatened kay Kim Molina

0 412

Tumanggap ng papuri ang “Jowable” star na si Kim Molina mula sa phenomenal comedian na si Vice Ganda dahil sa naging tagumpay ng pelikula niya. Kinuwento ni Vice ang naging pag-uusap nila ni Kim.

“Sabi ko sa kanya masaya ko na may bagong artistang nagpapatawa. Kasi sa gulo at hirap ng buhay kailangan madagdagan ang mga nagpapatawa. Para mabawasan ang lungkot kahit sandali lang,” sey ni Vice.

‘Di naman maitatatanggi na umaapaw ang kilig ni Kim sa naging tugon nito sa tweet ni Vice sa kanya.

“I LOVE YOU MEME @vicegandako I’ve been a fan of yours ever since kaya maraming salamat po sa suporta. Lalo na sa guidance at advice niyo po sa akin. Tatandaan ko po lahat,” sey ni Kim.

Hindi naman nagpahuli na sumuporta ang stage boyfriend na si Jerald Napoles sa naging chikahan ni Vice at Kim sa Twitter.

“Gawa na ng movie oh!! @vicegandako x @kimsmolina ito na ba ang sign!?!?!” hirit ni Jerald.

Nabuhayan ng loob lalo ang mga fan sa naging hirit ni Jerald at na-excite kung sakaling magsasanib-puwersa ang dalawang komedyante. Meaning, hindi po nati-threaten si Vice kay Kim, ha! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy