Una sa Balita

Vice Ganda bitbit ang dyowa sa US?

0 1,595

abante-anything-goes-jun-lalinAs you read this, nakabalik na ng bansa si Vice Ganda mula sa San Francisco, California kung saan ay mag-eextend siya ng ilang araw pagkatapos nilang mag-show ng It’s Showtime barkada sa Thunder Valley Casino.

In fairness, mukhang bakasyon lang talaga ang dahilan ng extension ni Vice sa Bay Area at wala naman akong nabalitaan na may kasama siyang boylet, huh!

Ang kapatid niyang si Emma (na babae na talaga ang hitsura) ang ka-bon­ding ni Vice sa pananatili niya sa Amerika.

Ang nanay naman ni Vice na madalas niyang puntahan noon sa Bay Area ay iniuwi na pala niya nang tuluyan sa atin last time n magkaroon siya ng concert series.

Malamang nga pala ay nasa It’s Showtime na mamaya si Vice dahil sanay nga siya na kapag dumarating ng Pilipinas ng early morning ay nagre-report na rin sa kanyang noontime show the same day.

Tungkol naman sa Metro Manila Film Festival 2018 entry niya na Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya, mukhang next week uli ang shoo­ting niya.

Richard na-emo sa pagliliwaliw sa US

As you read this, pa­balik na rin ng Pilipinas si Richard Gutierrez mula sa three days extension niya sa Amerika para makapagbakasyon kahit paano sa Los Angeles, California mula sa Fiesta Mo Sa Florida show ng TFC (The Filipino Channel).

‘Kaloka nga lang dahil ang tindi ng init sa L.A. habang nandoon siya.

Kung sa Florida ay sobrang init din sa umaga, pero uulan naman ng pagkalalas-lakas after lunch, sa L.A., past 6:00PM na ay ang tindi pa rin ng init.

Noong Wednesday nga na naglibot kami, hanggang sa L.A. Lakers mural lang sa Melrose Avenue ang napuntahan namin dahil sobrang nakakapagod ang sobrang init ngayon sa lugar na ito.

Nang mag-decide nga si Richard na umuwi sandali, ang ending ay umandar na naman ang jet lag niya kaya ang plano niyang pumunta sa pier ng Santa Monica beach ay hindi na natuloy at nakatulog na siya nang hanggang gabi.

Pero while driving around Beverly Hills, medyo naging nostalgic si Richard nang madaanan ang ilang lugar na pini-frequent nila noon ng twin-brother na si Raymond at ng kuyang si Elvis.

Pati nga ‘yung school na una nilang pinasukan sa malapit sa Doheny Drive ay nadaanan namin at naalala niya noong mga bata pa sila nina Raymond at Elvis.

Naalala rin ni Ri­chard na noong dumarating ng L.A. ang parents nilang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ay deretso sila sa isang seafood restaurant na ngayon ay bank na ang nasa location na ‘yon.

Nang mag-gas naman kami ay nilinis ni Richard ang windshield ng kanyang sasakyan at natuwa siya dahil hindi nga niya nagagawa ‘yon sa Pilipinas.

“Buhay America!” ang nasabi na lang ni Richard na enjoy naman siya sa pagiging independent niya.

Richard ‘di nakatanggi sa utos ni Zion

Habang nasa restaurant naman kami, panay ang video call ni Richard sa mag-iina niya, kina Sarah Lahbati, Zion at Baby Kai.

Nakakatuwa ngang pagmasdan si Richard na sobrang happy sa pagbi-video call sa kanyang mag-iina.

Si Baby Kai nga, tawa nang tawa sa tuwing nakikita si Richard sa video call.

Panay naman ang bilin ni Richard kay Kuya Zion na kunan ng picture ang baby brother dahil ang cute-cute ni Baby Kai sa tuwing tumatawa ito.

“Dada (Daddy), uwi ka na!” ang madalas namang sabihin ni Zion kay Ri­chard sa tuwing magkausap sila, kaya ano pa nga ba ang magagawa ng aktor kung hindi ang umuwi na.

“Next year, kailangan kasama ko na sina Sarah, Zion at Kai pagbalik ng Amerika, para mas masaya!” sabi pa ni Richard.

Kahit nga pala parehong nag-L.A. si Richard at ang kanyang Ate Ruffa ay hindi naman sila nagkita at ta­nging ang mga niece niya lang na sina Lorin at Venice.