Una sa Balita

Vice Ganda binawalang tumalak vs Kris

By
0 2,913

Asahan daw natin na kapag naipalabas na ang I Love You Hater ay mariringgan na natin ng kanyang saloobin si Vice Ganda hinggil sa mga naging ‘pralala’ ni Kris Aquino.

Mula sa usapin ng friendship, ng pagsasama sa project, hanggang kay Terrence Romeo ay malamang daw na magpahaging o daanin ni Vice sa kakaibang humor ang mga sagot niya.

“Pinagsabihan lang talaga siya na dumedma muna o manahimik dahil nasa kalagitnaan ng promo ang comeback movie ni Kris. Knowing Vice, pagdating kay Kris ay may isa o marami iyang saloobin. Nagagawa nga niyang gayahin o gawing materyal sa It’s Showtime ang peg ng hosting ni Kris, yun pa kayang paulit-ulit siyang banggitin nito sa mga panayam? Unless, ayaw na talaga ni Vice na maging kaibigan si Kris lalo pa’t mukhang hindi na sila nagtatawagang ‘asawa ko’,” ang nakakaintirga pero puno ng katotohanang emote ng malalapit nilang kaibigan.

Abangan!

Ogie rumesbak sa patutsada ni Willie

Eto pa ang nakakalokang tsika ng aming parehong source. Pabiro man daw ay ‘malaman’ din ang naging sagot ni pareng Ogie Alcasid sa imbitasyon sa kanya ni Willie Revillame.

Pinag-usapan kasi ang pang-eengganyo ni Willie na bumalik na sa GMA 7 si Ogie at samahan siyang mag-host ng kanyang prorama.

“Mas yayaman ka dito. Huwag ka na lang ma­ging judge,” ang more or less bitaw na mga salita umano ni Willie sa ating klasmeyt-kumpare. Whether that was a joke or what, nakarating nga ito sa mahusay na aktor-singer-host.

Ang tinutukoy ngang ‘judge’ ay ang ginagawa ni pareng Ogie sa Your Face Sounds Familiar kasama sina Sharon Cuneta, Jed Madela at Nyoy Volante (soon daw ay babalik na si Gary Valenciano).

At heto na nga ang naging tugon umano ni pareng Ogie sa imbitasyon ni Willie, “Talaga? Salamat kamo. Pero masaya naman na ako.”

At may pabiro pa nga raw na segue na mas feel na nitong maging masaya kesa yumaman.

Uy, sa dami ng ginagawa ng aming kaibigan sa ABS-CBN, alam na­ming well-compensated ito kahit itanong pa natin sa dual role niya sa Home Sweetie Home at Tawag ng Tanghalan, hahahaha!