Una sa Balita

Vice Ganda atleta ang escort sa ABS-CBN Ball

0 745

Sa magaganap na ABS-CBN Ball ngayong gabi, inaabangan ang mga sikat na tandem at ibang celebrity na rarampa ng mga bongga nilang kasuotan.

Bukod sa KathNiel, LizQuen, JaDine at iba pa, may mga nag-aabang sa real-life sweethearts gaya nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Kim Chiu at Xian Lim at maging ‘yung mga couple like Toni Gonzaga and Direk Paul Soriano, Mariel and Robin Padilla, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at marami pang iba.

May nagtsika sa amin na mangangabog nga raw ng kasuotan si Vice Ganda na balitang nag-imbita ng mga kilalang sports personality to be his escorts.

Hindi lang kinumpirma ng kausap namin kung tutuloy sina Marian Rivera at Dingdong Dantes at naimbitahan din daw sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Kung sakali man daw na pumunta si Regine Velasquez bilang kasama ng asawang si Ogie Alcasid, ‘yun na raw ang “cue at clue” na “in” na bilang Kapamilya si Songbird.

May mga surprise pang tsika sa magaganap na ABS-CBN Ball ngayong gabi, kaya abangan!

 

Regine TFC ang target sa paglipat sa Kapamilya

 

Ang latest na tsismis na nakarating sa atin hinggil sa balitang transfer of network ni Regine Velasquez-Alcasid ay “slowly but surely” raw.

Meron na nga lang daw mga de­talye hinggil sa mga TFC item lalo na ‘yung pagdating sa mga music and concert scene na siya umanong main target ng pagiging Kapamilya (if ever) ni Songbird very soon.

Kumbaga, ‘yung TV and movies daw ay secon­dary na lang sa pinag-uusapang kontrata dahil nagawa at nagagawa naman daw ‘yun ni Regine dati pa, pero ‘yung magkaroon ng direct access and power sa pagpapalakas lalo ng “music” using the various platforms of ABS-CBN (lalo na raw ‘yung digital, social media at TFC), ang siyang tunay raw na “item” ng napapabalitang network transfer.

Bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy