Una sa Balita

Vice dinilaan ang korona ni Catriona

By
0 645

Super bongga, super engrande ng pag-welcome ng ABS-CBN kay Miss Universe 2018 Catriona Gray kahapon, ha! Imagine, pagtungtong pa lang ni Catriona sa bakuran ng ABS-CBN ay dagsa na ang mga taong naghihintay sa kanya. At yes, kasama ang mga bossing ng Dos na sumalubong kay Catriona.

Naglakad nga si Catriona at sinabayan siya ng mga tao hanggang sa pagpasok niya sa dressing room niya, para naman sa TV guesting niya sa “It’s Showtime.”

Inieskortan pa siya ni Vhong Navarro, na umamin ngang kinabahan siya nang husto habang kasabay niya si Catriona.

At yes, sa opening number pa lang, ang taas-taas na ng energy sa “Showtime,” ha! At yes again, kumpleto ang mga host ng show.

“Si Catriona lang ang nakapagpapasok sa akin ng maaga sa Showtime,” sabi ni Vice Ganda na umaming fan na fan ng beauty queen.

Naalala pa ni Catriona ang video ni Vice Ganda nung i-announce na winner ang dalaga as Miss Universe.

Anyway, halatang sobrang na-excite si Vice Ganda nu’ng makita niya nang malapitan ang Mikimoto crown. At hindi nga nakatiis ang komedyante na hindi niya mahawakan ang korona na pinag-aagawan ng napakaraming babae sa buong mundo.

“Ang sarap pala. Ang tamis,” sabi ni Vice, na tinikman nga ang korona ni Catriona.

At inulit pa niya ito, muling hinimas ang korona, at tinikman ulit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy