Una sa Balita

Vice at mga boylet todo bakasyon sa Hong Kong

Anne, Erwan honeymoon ulit sa South Africa

By
0 1,220

Saan ka nagbakasyon para sa Undas? Malay mo, nasa iisang lugar lang pala kayo ng idol mo?

Nag-relax nga muna ang mga showbiz personality ngayong Undas break. Siyempre super busy at hectic ang mga schedule nila sa showbiz, kaya bilang time to relax, eh nagbakasyon din talaga sila, at ang iba ay nasa ibang bansa pa.

Ang Gonzaga family­ (Toni, Alex and parents) kasama si Direk Paul Soriano at ang anak nilang si Seve ay dumayo sa Amsterdam, Netherlands para i-enjoy ang kanilang Undas break. Sister goals nga sina Alex at Toni at makikita ‘yon sa kanilang mga IG stories.

Si Barbie Imperial ay kasama naman ang mga kaibigang sina Alexa Miró at ang kambal na Joj and Jai Agpangan, at nagpunta naman sila sa Bali, Indonesia para namnamin ang ilang araw na Undas break.

Naiwan si JM De Guzman dito sa Manila kung kaya’t ang mga IG stories ni JM ay madalas patungkol sa pagka-miss niya kay Barbie, at siyempre pa, panay rin ang comment niya sa mga IG post ni Barbie.

Si Vice Ganda naman, kasama ang ilang mga Hashtag members na sina Jimboy, Kid, Wilbert at Vitto para i-experience ang Hong Kong Disneyland. Hindi nakasama si Zeus dahil abalang-abala ito sa paghahanda sa kanyang nalalapit na concert na gaganapin ngayong November 3 sa SM Skydome.

Johannesburg at Zimbabwe, South Africa naman ang destinasyon ni Anne Curtis kasama ang asawang si Erwan Heussaff na tila sinabay rin ang kanilang late honeymoon dahil nga super busy ang mag-asawa kapag nandito sa Manila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy