Una sa Balita

Vice-Amy, Anne-Mariel, Vhong-Ryan bakbakan sa ‘Magpasikat’

By
0 525

abante-paistaran-dondon-serminoPatuloy ang inaaabangang pasiklaban ng “It’s Showtime” family sa Magpasikat Week, para sa kanilang pasabog na performances sa Magpasikat Week mula Oktubre 15 hanggang 20.

Abangan kung ano na naman ang bagong ipapamalas ng teams nina Anne Curtis at Mariel Rodriguez-Padilla kasama sina Jameson, Ryle, Tom, Kid, Sammie, at Kamille; Jugs and Teddy kasama sina Zeus, Vito, Maru, Mica, at Joana; Karylle at Jhong Hilario kasama sina Ronnie, Jimboy, Rayt, Chie­nna, at Jessica; Vhong Navarro at Ryan Bang kasama sina Nikko, CK, Paulo, Dawn, at Maika; at Vice Ganda at Amy Perez kasama sina McCoy, Luke, Wilbert, Krissha, at Mikee.

Ang team ni Vhong ang nagwagi noong nakaraang taon. Kaninong team naman kaya ang mananaig sa pasiklaban ngayong 2018?
Pero bago ‘yan, handog ng programa ang bagong online tambayan para sa madlang people.

Magbubukas na ngayong Sabado (Okt 13) ang Showtime Online Universe, kung saan mapapanood ang tatlong bagong online shows na kikiliti sa bawat trip ng madlang people tampok ang Hashtags, “Miss Q and A” grand winner na si Juliana Parizcova Segovia, at “Funny One” grand winner na si Donna Cariaga.