Una sa Balita

Vice Admiral Garcia bagong Coast Guard chief

0 369

INANUNSIYO ng Malacañang ang paghirang ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice Admiral Joel S. Garcia bilang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa inilabas na statement ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, magsisimula sa bagong puwesto si Garcia sa Oktubre 24 sa mismong araw ng pagreretiro sa serbisyo ni Admiral Elson Hermogino.

Si Garcia ang kasalukuyang deputy commandant for administration ng PCG at magiging 28th Commander ng Hukbong Pandagat.

Sinabi ng kalihim na umaasa ang Palasyo na ipagpapatuloy ng bagong PCG commandant ang mga adhikain ng kanyang tanggapan batay na rin sa kanyang kaalaman, kakayahan at integridad.

“We are confident that the incoming commandant, a man of vast knowledge, competence and integrity, would continue to lead and advance the PCG to great heights,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy