Una sa Balita

Vic, Vice, Coco, Juday bakbakan namumuro sa MMFF

0 564

abante-i-know-better-jun-nardoIlalabas na sa mga susunod na araw ang four finalists para sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF), ayon sa tagapagsalita ng taunang filmfest.

Kung papalarin ang entry nina Judy Ann Santos at Allen Dizon na “Mindanaw,” mas mauuna pang mapanood si Juday sa big screen kesa sa TV, huh!

Of course, tiyak na pasok ang MMFF favorites gaya nina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto. Sa tatlo, ang naging bukas sa casting ng entry niya ay si Coco. Si Ai Ai delas Alas ang isa sa co-stars niya at wala pa kaming kumpirmasyon kung si Jennylyn Mercado ang leading lady niya.

Wala pang lumalabas na detalye sa ipapasok na entry sina Vic at Vice Ganda.

Ang Heaven’s Best Entertainment, ang part 2 ng 2018 MMFF entry na “Rainbow’s Sunset” ang nakaplanong isali. Wala pang updates sa balak nilang kuning cast na sina Nora Aunor, Tirso Cruz III at Christopher de Leon kung pumayag na silang tatlo na gawin ang “Another Rainbow.”

Samantala, ang Final 4 naman ay pipiliin base sa finished product nilang isusumite.

Zia, Ziggy patok sa social media

Social media wonder kids ang puwedeng itawag kina Zia at Ziggy Dantes, anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Eh kahit nga lang picture ni Ziggy, bentang-benta na sa netizens, huh!
Pero si Zia, sa murang edad, lumalabas na ang pagiging showbiz material, huh! Kayang-kaya niyang gayahin ang astang artista ng ina, huh!
Sa Instagram video ng bata na inilalabas ni Yan-Yan, sobrang adorable niya kaya naman sa comment ni Dong sa post ng asawa, saad niya, “May kapalit ka na sa pagiging commercial mowdel!”

Ilan sa celebrities na pinusuan ang cute na video ni Zia ay sina Jennylyn Mercado, LJ Reyes, Mariel Padilla, Gabby Eigenmann, Vina Morales at iba pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy