Una sa Balita

Vic, Vice, Coco bakbakan sa #1 (kicker) MMFF 2019 malabong maka-P1B

0 561

How ironic na ‘yung “The Heiress” movie ng Regal kung saan isa sana sa cast si Carmina Villarroel eh hindi nakapasok sa last four official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival pero ‘yung horror movie niyang “Sunod” eh napili, huh!

Ang natatandaan naming rason ng pag-beg off ni Carmina sa Maricel Soriano starrer ay pass muna siya sa paggawa ng horror o supernatural dahil sa ginawang series na “Kambal, Karibal” at “Kara Mia”.

Si Sunshine Cruz nga ang ipinalit kay Mina. Pero hindi rin ito pinalad.

Kaya ang Regal, minabuting ipalabas na ang Maricel movie sa November 27. Of course, marami ang nanghihinayang dahil gusto pa naman nilang mapanood si Maria sa filmfest.

Saka ‘pag horror films, brand na ‘yan ng Regal dahil na rin sa successful franchise nitong “Shake, Rattle & Roll”, huh!

Sa final four entries, biggest surprise ang entry ng TBA Studios na “Write About Love”. Pinagbibidahan ito nina Miles Ocampo, Rocco Nacino at Yeng Constantino.

Eh dahil may entry rin sina Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin, rematch ang bakbakan nila sa December 25. Kasama ni Coco sa movie na “3Pol Trobol Huli Ka Balbon” sina Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas. Si Anne Curtis naman ang co-actor ni Vice habang si Maine Medoza naman ang muling kasama ni Vic.

Ang iba pang entries ay “Culion” ni Iza Calzado, “Mindanao” nina Judy Ann Santos at Allen Dizon; “Miracle in Cell #7” nina Aga Muhlach at Bela Padilla.

Umabot kaya sa P1B ang gross ng 2019 MMFF?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy