Una sa Balita

Vic Sotto ninong: Maine-Arjo sa 2023 pakakasal

0 869

Sa tinagal-tagal na nilang magkakilala, nakakaramdam pa rin si Maine Mendoza ng hiya kay Bossing Vic Sotto.

Katunayan, sa presscon ng 3pol, Trobol, Huli Ka Balbon, na entry nga sa Metro Manila Film Festival, patingin-tingin lang si Maine kay Vic, na parang hiyang-hiya nga.

“Pansin ko po hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang ­pagka-starstruck ko sa kanya. At saka hanggang ngayon ­nai-intimidate pa rin ako sa kanya ngayon. Kahit sa Eat ­Bulaga, o sa Daddy’s Gurl, hindi ko pa rin siya mabati na kaswal.

“Kasi ang feeling ko, Vic Sotto, Bossing, opo. Pero, sobrang bait po niya sa akin. Pero, ang nakatatuwa kasi, kapag nagro-roll na ang came­ra, bigla kaming nagiging father, daughter. Parang nawawala agad ang ilangan. Pero, pag cut na, balik na rin ako na nahiya sa kanya.

“Sa movie na ito hindi ako nag-comedy at all. Sobrang seryoso ako. As in serious ­talaga ako. Ang sabi ng lipstick na itim, di ba?
“Na-challenge ako sa mo­vie na ito, kasi filmfest nga, tapos si Bossing pa. Tapos iba ang role ko,” kuwento ni Maine.

Na-meet na ba ni Bossing Vic si Arjo Atayde?
“Oo naman. Na-meet na niya before sa MMFF last year. Doon nga kami nagkakilala, di ba?”

So, saksi pala si Bossing sa love story niyo ni Arjo?
“Ay, hindi siyempre noon, wala pa.”

So, kukunin mo bang ninong si Bossing sa kasal niyo ni Arjo?
“Ay, kahit sino naman ang ­makatuluyan ko, hinding-hindi ­puwede na hindi ko kuning ninong si ­Bossing. Oo naman, ninong talaga siya,” chika ulit ni Maine.

Anong level na ba ang relasyon nila ni Arjo?
“Scale of 1 to 10? Well, 14, ­hahaha!”
Taray, ha!

“Valentine’s? Hahahaha!”

Napag-uusapan na ba nila ni Arjo ang kasal?
“Nag-uusap na kami about the future, kasi tumatanda na rin ­naman kami. Like si Arjo, 29 na siya. Ako naman ganun na nga, ­tumatanda na.”
Anong edad mo balak magpa­kasal?

“Ah, 25. So, next year na ‘yon. Hahahahaha!”
“Hindi, joke lang. Mahirap kasi kaming magkakapatid, sunod-sunod, eh.
“So, after nung sister ko, ‘yung kuya ko muna, then, ‘yung isa ko ­uling ate. Then, ako na.

“Pero, 28 ang marrying age ko. Dalawa pa ang kailangang ikasal.
“Tama lang na 28 ang marrying age ko, kasi by that time, kasal na siguro sila. ‘Pag hindi pa ako kinasal noon, naku”
Si Arjo ba hindi ka minamadali?

“Hindi naman. Sobrang patient naman nu’ng taong ‘yon. Hindi naman siya naiinip.”

So, si Arjo na talaga ang makakatuluyan niya?

“Oo naman. Siyempre hindi naman tayo magsasayang ng araw na makasama ang tao na hindi natin gustong makasama ­habangbuhay.

“Balikan niyo na lang ako kung halimbawa hindi nag-work, ha!” natatawang sabi na lang ni Maine.

So, kung 24 si Maine ngayon, bibilang pa ng apat na taon bago sila pakasal ni Arjo. Kung 2019 ngayon, 2023 pa sila pakakasal

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy