Vic, Ai Ai, Marian tsutsugiin sa ere ng ABS-CBN?

By

Naging matagum­pay ang 31st PMPC Star Awards for TV noong Linggo ng gabi sa Henry Lee Theatre ng Ateneo de Manila University.

Gaya ng mga nakakaraan ay dinumog ng mga fans ang venue kesehodang mahirap itong pasukin.

Ang kakaiba lang sa mga nagdaang Star Awards ay kapansin-pansin ang maraming big stars ng Kapuso Network na dumalo sa nasabing okasyon gaya nina Vic Sotto, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Ai Ai delas Alas, Ruru Madrid, Rocco Nacino, at Sanya Lopez.

Biro nga ni Bossing, ‘Ipalabas kaya ito ng ABS-CBN?’ kung saan regular na ineere ang Star Awards?

Maganda sana kung full force rin ang GMA News TV para personal sana nilang tinanggap ang mga recognition na ibinibigay sa kanila.

Si Bossing na ma­laking artista ay nagtiyagang maghintay para sa award na Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

Mala­king bagay ‘yan sa PMPC na ina-appreciate ng mga awardees ang parangal na ibinibigay sa kanila.

Ganun din sa ABS-CBN na puro mga staff ang pinadala para tumanggap ng awards nila.

Nakakalungkot na hindi nila pinahalagahan ang mga parangal na ibinigay namin sa kanila.

Jak Roberto matalbugan kaya si Ruru?

Naging mata­gumpay rin ang unang Wheeltek Bingo Bajaj this year na idinaos sa Dagupan City.


Sobra ang galak ng pamunuan ng Wheeltek na pinangungunahan ni Mr. Roscoe Odulio sa dami ng taong sumugod sa town plaza para makita ang iniidolo nilang si Ruru Madrid.

Hindi nila inalintana ang ma­lakas na buhos ng ulan kasehodang basang-basa sila. Kaya naman very energetic ang Kapuso actor at hindi rin problema sa kanya ang lakas ng buhos ng ulan.

Nagpakabasa rin siya.

Sabi ng Wheeltek sa tagal o ilang taon nilang ginagawa ito ay ngayon lang sila dinumog ng ganito na hanggang stage ay umakyat ang mga tao para lang malapitan si Ruru.

Sabi ni Ruru ay nawawala ang pagod niya kapag ganito ka-responsive ang fans.

Sa Biyer­nes naman ay nasa San Fernando, Pampanga ang susunod na event at si Jak Roberto naman ang kanilang bisita.

Tingnan natin kung mapapantayan ng Pambansanng Abs ang dami ng tao sa Wheeltek Bingo Badjaj.

Bubble Gang hindi na mapapantayan

Isang musical play ang mapapanood sa 22nd Bubble Gang Anniversary.

May nagtatanong na paano mangyayari ‘yon eh gag show nga ang peg ng Bubble Gang.

Kailangan pa bang tanungin yan sa talino at husay ni Michael V.?

Noon pa man ay pinag-isipan na yan ni Bitoy. At sinisiguro niya na puro original ang peg ng Bubble Gang na patented at hindi gaya-gaya sa ibang show.

Kaya naman nagtatagal ang Bubble Gang at tuloy-tuloy lang talaga ang show.

Nasa Hall of Fame na nga yan ng PMPC Star Awards at walang makapantay.

SHARE