Una sa Balita

Vhong wala nang kawala kay Tanya

0 436

Finally, engaged na si Vhong Navarro sa non-showbiz girlfriend niyang si Tanya Winona Bautista.

Inulan ng congratulatory messages ang posting ni Vhong sa kanyang Instagram wall ng larawan nilang dalawa ni Winona na naka-formal attire habang nasa gitna ng buhangin.

Hindi direktang ibinalita ni Vhong ang kaganapan sa engagement pero nalantad ang tungkol dito nang putaktihin ng congratulations remarks ang “It’s Showtime” host mula sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho gaya ni Amy Perez.

Ito na nga ang matagal nang hinihintay ng mga nagmanahal sa komedyante – – ang mauwi sa engagement ang love life nito.

Sunod-sunod ang magagandang kaganapan sa mga “It’s Showtime” host.

Una ang pag-aanunsyo ni Vice ng romansa nito sa co-host niyang si Ion Perez.

Ikalawa, ang pagbubuntis ni Anne.

Ikatlo, ang engagement ni Vhong.

Kung sa balita lang at pagbibida sa social media, napag-iiwanan na ng “Showtime” ang katapat nitong show, ang “Eat Bulaga”.

Pero marami pang dapat patunayan ang “It’s Showtime” para maabot ng programa ang narating ng “EB”.

Joyce Pring, Juancho pakakasal na

Samantala, hindi lang si Vhong ang engaged kundi pati ang Kapuso sweethearts na sina Joyce Pring at Juancho Trivino.

Sa Instagram post ni Joyce ng larawan ng daliri niya na may diamond ring, ibinahagi nito ang kuwento sa engagement na nangyari noon pang August, sa Boracay.

Sadyang itinago ng dalawa ang engagement para raw ma-enjoy nila ang moment na ito.

Dapat na magalit ang media kay Joyce at Juancho lalo na doon sa mga nagtanong tungkol sa engagement dahil lumalabas na pinasakay lang nila ang mga ito sa mga pa-bitin nilang sagot, na ‘yun pala ay engaged na sila.

Parang as if naman ay pagkakaguluhan ang kanilang engagement ng media gaya ng ibang high profile celebrities.

Anyway, sabi pa sa caption, dinala raw ni Juancho ang lahat ng pamilya niya para sa engagement.

Naiyak sa tuwa si Joyce sa sorpresa.

Patago rin ang pagpunta nito sa New York para sa wedding dress at sa planning ng wedding nito.

Sana nga maging interesado ang maraming media sa kasal nito, gaya ng excitement ng lahat sa wedding nina Angel Locsin at Neil Arce.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy