Una sa Balita

Vhong, Tanya ikinasal na

0 498

Kaybilis ng mga pangyayari, pero ikinasal na nga sina Vhong Navarro at kanyang longtime girlfriend na si Tanya Winona Bautista.

Sa mga Instagram post ni Kuya Kim, nakumpirmang kasal na ang dalawa kung saan kumalat ang mga video at photos ng sagradong event ng magkasintahan. Kita ring in full force ang “It’s Showtime” family bilang suporta sa ikinasal.

Bumaha naman ng congratulatory messages para sa mga bagong kasal.

Kakatuwa rin ang eksena sa kasalan kung saan kakalakad pa lang sa isle ni Tanya, upang simulan na ang wedding ceremony, ngunit tila ba excited na si Vhong para sa “you may kiss the bride” moment dahil kamuntik na niyang halikan agad sa labi ang napangasawa. Hahaha!

Naunahan pa nga ni Kuya Kim ang magkasintahan sa pagpo-post ng espesyal nilang okasyon. Sa IG ni Vhong ay panay prenup photo pa lang ang kanyang pinopost, ngunit kitang masaya ang mag-asawa sa panibagong yugto ng kanilang pagmamahalan. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More