Una sa Balita

Vhong super gigil sa wetpaks ni Vice Ganda

By
0 2,130

Ano bang meron sa puwet ni Vice Ganda at gigil na gigil daw si Vhong Navarro dito? Kakaiba ba ito sa puwet ng ibang mga bading?

Well, agaw-atensiyon naman kasi talaga ang puwet ng komedyante, dahil bukod sa maumbok, kurbang-kurba pa, na alam naman natin kung bakit.

Hindi naman itinatanggi ni Vice na dumadaan siya sa­ mga kamay ng doktor, na kahit ang mukha nga niya ay ipinagmamalaki pa niya na dahil sa alaga ng doktor kaya nagiging hugis bigas.

Pero sa post ni Vice sa IG story niya, ipinakita talaga niya kung gaano katambok ang puwet niya, lalo na sa puntong inusli pa niya ito nang husto.

“So eto ang pinanggigigilan niyong puwet ko kanina Vhong Navarro. Trip niyo ba? Message niyo lang ako!” sabi ni Vice Ganda.

Well, kung ano man ang balak ni Vhong sa puwet ni Vice, sila na lang ang nakakaalam. Pero in fairness talaga, matambok at mukhang masarap pisilin, pero mukhang bawal, dahil baka umimpis. Charot!

***

Akting ni Martin aprub kay General Galvez

Hindi naging mahirap kay Martin Escudero ang pag-atake sa role niya bilang Muslim na nurse sa pelikulang Ang Misyon: A Marawi Siege Story na dinirek ni Cesar Soriano.

Bata pa lang daw siya ay marami na siyang kaibigang Muslim, kaya alam na alam na niya ang kilos, panana­lita ng isang Muslim. At sa pelikulang Ang Misyon, aprub ng mga kapatid na­ting Muslim ang performance ni Martin.

Sa ginanap nga na special preview para sa Ang Misyon ay nakasama namin ang mga sundalo, kasama na si AFP Chief of Staff General Galvez.

Thumbs up ang rating ni Gen. Galvez sa pelikula, at pati na sa akting ni Martin. Kaya hiyang-hiya si Martin sa tabi ng magiting na Gene­ral dahil hindi niya inaasahan na pupurihin ang kahusayan niya.

Anyway, kakaiba ang pelikulang Ang Misyon dahil kuwento ito ng isang nurse na Muslim, na nagtanim ng galit sa mga sundalo dahil sa pag-aakala na sila ang pumatay sa kanyang ama na ginampanan ni Darius Razon.

Ipakikita rin sa pelikula ang klase ng buhay ng mga sundalo na nakikipaglaban sa giyera. At siyempre, ipinakita rin ang ilang footages na kuha mismo sa giyera sa Marawi.

Sa latter part ng movie ay hindi maiiwasang makurot ang puso mo. Lalo na kapag naisip mo na maraming ari-arian at buhay ang nasayang dahi sa giyerang ito.

Kasama rin sa pelikula sina Rez Cortez, Lou Velozo, Tanya Gomez at si Juan Miguel Soriano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy