Una sa Balita

Vhong sinagip si Billy sa pagkaadik sa alak

0 676

Todo ang pasasalamat ni Billy Crawford sa kanyang matalik na kaibigan na si Vhong Navarro sa ginawa nitong pagtulong sa kanya para itigil ang naging adiksyon niya sa alak.

Nagpakatotoo ang “Your Moment” host sa “Magandang Buhay” kamakailan, at inamin na nalulong siya sa alcohol at may mga beses na naging dahilan ito para hindi siya makapasok dati sa “It’s Showtime”.

Noong mga araw na nagha-hangover siya at nag-absent, nilapitan siya ni Vhong upang kausapin tungkol dito.

‘Si Kuys Vhong ‘yung nagpakatotoo sa akin. Tinabi niya ako. Walang biro ito’ yung sinabi niya sa akin na makakasira ito ng buhay mo. Kung hindi ka magiging propesyonal sa trabaho mo at kung hindi mo seseryosohin ito. Marami kasing may gustong tumungtong sa puwesto mo dito sa ‘Showtime’. Respetuhin mo ang puwesto mo,” pagbabahagi ni Billy.

Dahil sa sinabi ng kaibigan ay para raw siyang natauhan kaya naman ngayon nga ay matagal na siyang hindi umiinom ng alcohol.

“Noong sinabi ni Vhong sa akin. May nag-trigger talaga sa utak ko na it was real and as truthful as possible. Sobrang totoo ‘yung sinabi niya sa akin. Sobrang nakatulong sa akin in the future kasi maraming kabataan na tumitingin sa atin dito sa TV.

“Tayo ang inspirasyon at hinahangaan ng mga bata and what kind of an example am I bilang sila ang mga nanonood sa amin. I have to change my ways. Kaya salamat sa iyo. Salamat sa Diyos na I have been sober for one year and iko-continue ko ito sa habang buhay,” say pa ulit ni Billy.

Nakakatuwa lang makita na nakahanap si Billy ng isang mabuting kaibigan sa katauhan ni Vhong. Matagal-tagal na rin ang kanilang pinagsamahan sa industriya simula ng makilala sila bilang Kanto Boys kasama nina Luis Manzano at John Lloyd Cruz hanggang sa “It’s Showtime” at ngayon nga sa “Your Moment” kasama si Luis.

Hook na hook na nga ang madla sa bagong reality show ng ABS dahil sa mga kahanga-hangang acts na ipinapakita ng ating mga Kapamilya at syempre ang nakakaaliw na pakulo nina Billy, Vhong at Luis sa hosting. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More