Una sa Balita

Vhong Navarro panalo; Cedric Lee, Deniece Cornejo 3-taong kulong

By
0 1,359

Nakahinga nang maluwag ang actor-TV host na si Vhong ­Navarro matapos hatulang guilty sa ­kasong grave coercion ng Taguig­ Metropolitan Trial Court sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Jed Fernandez.

Batay sa kasong isinampa ni Navarro­, pinilit umano siya nina Lee at Fernandez na pumirma sa police blotter kung saan siya dinala ng mga ito matapos na bugbugin at akuin ang kasong panggagahasa kay Cornejo na wala naman umanong katotohanan.

Pinanigan ng Metropolitan Trial Court ng Taguig Branch 74 sa pamumuno ni Presiding Judge Bernard Pineda Bernal na sinabi na hinahatulan niyang guilty beyond reasonable­ doubt sa kasong grave coercion sina Deniece Millinette Cornejo, Cedric Cua Lee, at Sajed Fernandez Abuhijleh, alyas Jed Fernandez.

Sinentensyahan ang tatlo ng anim na buwang pagkakakulong hanggang tatlong taon at anim na buwan.

“Wherefore, pre­mises considered, judgment is hereby rendered finding accused Deniece Millinette Cornejo, Cedric Cua Lee, and Sajed Fernandez Abuhijleh a.k.a. Jed Fernandez, Guilty Beyond Reaso­nable Doubt of the crime of grave coercion and, applying the Indeterminate Sentence Law, sentences them to suffer the indeterminate penalty of six months of arresto ­ma­yor as minimum, to three years and six months of prison correccional medium as maximum. The period of their preventive imprisonment shall be credited to the service of their sentence. No pronouncement as to costs.”

Base sa paglilitis, nakita sa ebiden­syang kabilang sa closed circuit television camera (CCTV) footage na pumasok si Navarro sa elevator patungo sa unit ni Cornejo habang si Cornejo naman ay nakitang papasok sa elevator isang minuto lamang ang pagitan kaya imposibleng may naganap na rape, base sa paratang ng mga sangkot.

Ayon naman kay Chito Roño, manager ni Navarro at film director, nabiktima daw ang kanyang alaga ng extortion.