Una sa Balita

Vhong naiyak sa tuwa sa hatol kina Deniece, Cedric

By
0 877

Tiyak namang masayang-masaya si Direk Chito sa latest update hinggil sa pagkaka-hatol sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo kaugnay ng kasong ‘grave coercion’ na isinampa ng isa sa mga alaga niyang si Vhong Navarro.

During the presscon kasi ng ‘Signal Rock’, inamin ng award-winning director na ramdam pa rin niya ang labis na epekto ng trahedya na kinasangkutan ng alaga noong 2014, mula sa nasabing grupo.

“We are waiting for the day na lalabas din ang totoo and justice will be served,” bahagi pa ng nasabi ni Direk, isang araw bago pa man lumabas ang bagong development.

Sinubukan naming kunan ng pahayag si Vhong pero kasalukuyan itong bumibiyahe kasama ang tropa sa ‘It’s Showtime’ para sa kanilang US Tour.

Pero may nakapagsabi na napaiyak sa tuwa ang ating kaibigan-kumpare sa panibagong tagumpay na ito sa isa sa mga kaso niyang isinampa niya.

Tiyak din, maganda ang hatid nitong ‘vibes’ sa movie niyang ‘Unli Life’, kasama sina Winwyn Marquez at Joey Marquez. Entry din sa PPP ang ‘Unli Life’, mula rin sa Regal Films.