Una sa Balita

VFA ‘di kayang isalba — Lacson

0 382

DAHIL pormal na umanong naiparating ang notice of termination sa US, wala na itong pag-asa pang maisalba, ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on defense and national security.

“Halos wala na. Dahil na-notify na, may formal notice na eh. So talagang abrogated na. Nagbibilang na lang ng araw, 180 days,” pahayag ni Lacson sa panayam sa dzBB kahapon.

Magkakaroon lang aniya ito ng pagbabago o hindi matuloy ang abrogation kung magkaroon ng ruling ang Korte Suprema pabor sa petisyon ihahain ng Senado.

“Unless may mag-intervene na event. Halimbawa nagkaroon ng petition nag-rule ang SC at halimbawa hindi nag-concur ang 2/3, ‘di nakakuha ng 2/3 sa Senado,” sabi ni Lacson.

“Ibig sabihin deemed hindi abrogated. Maski in-abrogate ng Pangulo kasi kung magkaroon ng ruling ang SC, hindi matutuloy,” dagdag pa nito.

Kahapon, inihayag din ni Lacson na maghahain ang ilang Senado ng petisyon sa Korte Suprema para linawin ang papel ng Senado patungkol sa termination ng VFA sa US.

“Kung sakaling ma-grant iyong petition, depende kung masasaklaw iyong ibang treaty,” ani Lacson. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More