Una sa Balita

Vera, Folayang tigasin sa ONE Championship

By
0 536

DALAWANG taon mahigit na hindi nakipagbugbugan si Brandon ‘The Truth’ Vera at sa kanyang pagbabalik ay ilang buwang nag-ensayo para depensahan ang kanyang titulo sa One Heavyweight World Championship.

Pagsalang sa cage hindi tumagal ang banatan, isang minuto at anim na segundo lang ang kinailangan ni Fil-American Vera upang mapanatili ang pagiging kampeon noong Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Agresibo sa simula ng labanan si Mauro Cerili, umatras si Vera pero nag-iwan ng isang suntok sa mukha ng Italian challenger dahilan upang bumagsak at itigil ng referee ang laban.

“Manila, kababayan, miss na miss na kita, ang tagal, dalawang taon pero mukhang kaya pa,” masayang sabi ni Vera.
Nanatiling walang talo si Vera sa ONE Championship sa apat na salang kung saan dalawang beses nitong nadepensahan ang kanyang heavyweight crown.

Bago ang laban ni Vera, binugbog naman ni Pinoy Mixed Martial Arts artist Edward “The Landslide” Folayang si Amir Khan upang maibalik sa kanya ang One Lightweight World Championship.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy