Una sa Balita

Venus Williams pinauwi agad sa Aussie Open

By
0 1,211

Hindi na mananatili sa Williams family ang Australian Open trophy ngayong taon. Sa first round lang sa Melbourne Park nitong Lunes ay pinag-impake na agad ni Swiss Belinda Bencic si Venus Williams 6-3, 7-5. 

Runner-up si Venus sa kapatid na si Serena sa final noong isang taon. Hindi maidedepensa ni Serena ang korona dahil ilang buwan pa lang na kapapanganak at bagong kasal. 

Sunod na haharapin ni Bencic sa second round sinuman kina Johanna Larsson ng Sweden o qualifier Luksika Kumkhum ng Thailand. 

Abante Hiring – IT dep

Isa pang malaking isda na nag-exit agad pagkatapos ng unang salang si reigning US Open champion Sloane Stephens na natisod kay Zhang Shuai ng China 2-6, 7-6 (7-2), 6-2. 

Abot-kamay na ni Stephens ang match win, service siya habang lamang 5-4 sa second set pero nag-rally ang Chinese para makapuwersa ng deciding set. 

Pinangatawanan ni Zhang ang pagiging ‘giant killer’ nang idagdag sa listahan ng mga malalaking pangalang biktima sa Melbourne Park si Stephens. 

Ilan sa mga nabingwit ni Zhang sina Simona Halep, Alize Cornet at Madison Keys tungo sa quarterfinals ng parehong torneo noong 2016. 

Sa isa pang laro, minadali ni 20-year-old French Open champion Jelena Ostapenko si Francesca Schiavone 6-1, 6-4 sa loob lang ng 1 hour, 14 minutes.