Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ventura naghari

0 31

SUMAPAT ang draw game ni Gio Troy Ventura sa seventh round upang pagharian ang Boys Under 15 division ng 2021 National Youth & Schools Online Chess Championships – Southern Luzon Leg, kamakalawa ng gabi.

Kumolekta si Ventura ng Dasmarinas, Cavite ng anim na puntos matapos makipaghatian ng puntos kay Juncin Estrella.

“Masaya po ako sa panalo,” saad ni Ventura na sariwa sa pagkopo ng silver medal sa Board 4 sa Under 14 category ng Asian Nations Cup nakaraang buwan.

Lumanding sa second place si Estrella na may 5.5 puntos habang third si Ariel Santander. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.