Una sa Balita

Venezuela dinuyan ng lindol

By
0 2

Idinuyan ng 5.5 magnitude na lindol ang Katimugang bahagi ng Caribbean na sakop ng karagatan ng Venezuela.

Base sa ulat ng US Geological Survey, sumentro ang lindol sa may 40 miles ng southeast ng Aruba na may lalim na 6 miles offshore mula sa lungsod ng La Vela de Coro.

Naramdaman din ang lindol sa Venezuelan capital ng Caracas ganoon din sa Aruba, Curacao at ibang mga isla.

Wala namang naitalang nasawi o napinsalang ari-arian sa nasabing lindol.