Una sa Balita

Vendors sa Mandaue public market libre muna sa upa

0 305

Inaprubahan na ng Mandaue City Council ang ordinansa na gawing libre ang daily rental fees na binabayaran ng mga vendors sa Mandaue City Public Market sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) na magsisimula sa Lunes, March 30.

Mahigit 1,800 stallholders sa public market ang nagbabayad ng arawang upa na nasa P30 hanggang P100 kung saan ang mga nagbebenta ng essential goods lamang ang papayagang makapagtinda at mahigpit na ipatutupad ang social distancing sa mga mamimili.

Limitado lamang ang operasyon ng mga pamilihan dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine para sa lahat na magsisimula ng alas-5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi. (Vick Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More