Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vendor timbog sa boga, granada

0 70

Huli ang isang vendor matapos mabuko ang baril at granada sa kanyang pag-iingat kasunod ng isinagawang follow-up ng mga awtoridad sa nangyaring holdapan sa Pasig City noong Lunes.

Sinabi ni Pasig City Police chief PCol. Roman Arugay na nagpa-follow-up nitong Lunes ng bandang alas-2:30 ng hapon ang mga imbestigador kaugnay sa nangyaring holdapan sa Farmers Avenue sa Brgy. Kapitolyo noong Linggo nang maispatan nila ang nakabukol sa tagiliran ng suspek na si Jezreel Bierra, 33-anyos at residente ng Dr. Pilapil St., Brgy.San Miguel, Pasig City.

Sinita ito ng mga pulis at nakumpirma nilang baril na replica ang nakasukbit sa kanyang baywang. Natagpuan din sa kanyang sling bag ang isang granada.

Dinala ang suspek sa Pasig City police station at kinasuhan ng illegal possession of hand grenade and handgun alinsunod sa itinatakda ng BP 881 Omnibus Election Code. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.