Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vendor binoga sa wow mali

0 52

Nasugatan ang isang fish vendor matapos barilin ng lalaki na may kagalit makaraang mapagkamalan siyang kasamahan ng kaaway ng huli, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala ng cal. 38 sa kaliwang hita si Alvin Santos, 43, binata, nakatira sa Block 48F, Phase 3, Barangay Longos ng nasabing siyudad.

Kaagad namang pumuga ang suspek na si Jimmy Abaya, 35, ng Alupihan Dagat, Barangay Longos, dala ang baril na ginamit sa insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Block 48, Barangay Longos, Malabon.

Naglalakad papauwi si Santos nang bigla itong makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa dalawang grupong nag-aaway.

Sa takot na madamay at tamaan ng ligaw na bala, nagtatakbo ang biktima, kung saan Nakita ito ni Abaya at sa pag-aakalang isa ito sa kanyang kaaway, kaagad siyang binaril.

Patuloy ang follow-up investigation sa nasabing kaso para sa ikadarakip ng suspek. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.