Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vendor binoga, binatilyo damay

0 153

Agad nasawi ang 65-anyos na ginang makaraang pagbabarilin ng mga ‘di nakilalang salarin sa loob ng kaniyang sari-sari store sa Zaragoza, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PMajor Nelson Sarmiento nakilala ang biktima na si Julie Isip Ramos, ng Benitez Subd., Brgy. Concepion, na nagtamo ng 5 tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Isang 14-anyos na batang lalaki na bumibili sa tindahan ang tinamaan din sa ibaba ng kaniyang pusod at ngayon ay naka-confine sa isang pagamutan sa Cabanatuan City.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na alas-6:50 Sabado ng gabi nang dumating ang mga salarin na riding-in-tandem at nagkunwaring mga custoner bago isinagawa ang pamamaril sa biktima.

Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa town proper, ayon sa mga saksi.

Nakarekober ng 2 basyo ng bala para sa caliber 45 at 3 basyo ng bala para sa caliber 9MM ang mga awtoridad.

Kasalukuyang nangangalap ng CCTV footage ang mga awtoridad habang sinisilip ang pagpapautang ng biktima na posibleng motibo sa krimen. (Jojo De Guzman)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.