Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vence ika-2 tigasing Pinoy marathoner

0 96

Sa mga nakaraang linggong labas po ng TP, natalakay ko na po na ang mga pinakaastig na Pinoy at Pinay marathoner sapul noong 1968 hanggang sa wala pang katiyakang panahon bago mahigitan ang nagawa nila, ay sina Eduardo ‘Vertek’ Buenavista ng Sto. Niño, South Cotabato, at Mary Joy Tabal ng Cebu City.

Pumapangalawa sa kababaihan si Christabel Martes ng La Trinidad, Benguet.

At para sa araw na ito, si Roy Vence ng Bogo City ang bumubuntot kay Buenavista.

Inuulit ko po, binatay ko ang aking seleksiyon sa kanila base sa mga nalahukan at kompetiyon nilang mga napanalunan sa international at local full-marathon o 42.195-kilometer footrace.

Olympian, Asiad veteran, Southeast Asian Games gold medalist at six-time National MILO Marathon Finals champion ang nag-54-anyos noong Pebrero 22 na Cebuano (Vence).

Tumapos siyang 100th sa 111 finishers (13 ang nag-Did Not Finish) sa 26th Summer Olympic Games 1996 sa Atlanta, Georgia sa tiyempong 2:37:10, , ikawalo siya sa 14 na nakatapos (1 ang nag-DNF) sa 14th Asian Games 2002 sa Busan, South Korea (2:28:51);

Nag-gold siya sa 21st SEA Games 2001 sa Kuala Lumpur, Malaysia (2:23:51) sa 1-2 finish ng ‘Pinas sa 11-nation biennial sportsfest.

At naghari sa NMM ng mga taong 1979 (2:29:55), 1980 (2:24:52), 1982 (2:29:58), 1984 (2:23:52), 1985 (2:28:50), at 1994 (2:24:23).

Nakatakbo’t nakatapos din siya sa Boston Marathon, at ang personal best niya sa isang full-marathon event ay 2:20:11 na naitala sa Hong Kong Airport International Marathon.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.