Una sa Balita

Veloso isisingit sa itinerary ni Duterte sa Indonesia visit

By ,
0 91

Sisikapin ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na maisama at mabigyan ng oras ang pag-aasikaso sa kaso ng Pinay death row na si Mary Jane Veloso sa pagbisita nito sa Indonesia.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, posibleng mapag-ukulan ng pansin ng Pangulo ang kaso ni Veloso gayundin ang iba pang nakapiit na OFWs sa Indonesia na sidetrip sa ASEAN activities ni Presidente Digong.

Samantala, nakatakdang umalis sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 29th ASEAN Summit at Ralated Meetings sa Lao People’s Democratic Republic at magkakaroon ng working visits sa Brunei Darussalam at Indonesia sa Setyembre 4 hanggang 10, 2016.

Ayon sa sulat ni Mr. Marciano Paynor, Chief of Presidential Protocol sa Public Affairs Division ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang pa­ngulo at ang kanyang entourage ay aalis sa Setyembre 4, 2016 bandang alas-10:40 ng umaga at ito ay babalik sa bansa sa Setyembre 10, 2016 ng alas-4:50 ng mada­ling-araw via Philippine Airlines (PAL) flight PR 001.

Samantala, pinuri ng Simbahang Katoliko si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa hindi nito pagpapabaya sa kaso ng Pinay drug convict na si Mary Jane Veloso na hinatulan ng parusang kamatayan sa kasong drug trafficking sa bansang Indonesia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy