Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Velasco sasapawan pa mahihirap! Mga cong uunahin sa bakuna

0 327

Taliwas sa direktiba ng gobyernong Duterte na unahin ang mahihirap at mga nasa vulnerable sector sa COVID bakuna ang intensyon ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza kaugnay sa aniya intensyon ni House Speaker Lord Allan Velasco na mabigyang bakuna ang lahat ng kongresista.

Ani Mendoza, prayoridad ni Velasco na mabakunahan kontra COVI 19 ang mga mambabatas oras na magkaroon ng bakuna ang bansa.
“Isa ‘yan sa top priorities ni Speaker Lord Velasco na mabigyan ng vaccine ang lahat ng members ng House of Representatives,” ayon kay Mendoza.

Sinabi pa ni Mendoza na ang pagbibigay ng pondo para sa bakuna ang isa umano sa nais na tugunan ni Velasco at sa katunayan ay nakipag-usap na umano ito kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez ukol dito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Isa yan sa thrust din na gusto gawin ni House Speaker Velasco. Nag-initial discussion na kay Sec. Galvez with regard doon sa vaccination,” ayon pa kay Mendoza

Kasabay nito ay nilinaw ni Mendoza na nananatiling ligtas ang Batasan Complex kahit na nakapagtala ito ng halos isang daang kawaning nagpositibo sa virus matapos ang isinagawang mass testing noong nakaraang buwan.

“Rest assured, as instructed by Speaker Velasco, the safety of all members and employees of the House is our number one priority,” paglilinaw ni Mendoza.

Una nang sinabi ni Mendoza nasa 98 ang lumitaw na nagpositibo sa COVID-19 sa mass testing Nobyembre 10 pero hindi aniya ito matatawag na outbreak dahil ang naturang bilang ay katumbas lamang ng 5 porsiyento ng kabuuang 2,000 mambabatas at empleyado na na-test. (Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.