Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Velasco maaga naaprub budget

0 110

Ipinagmalaki ni House Speaker Lord Allan Velasco ang kanilang inaprubahang P4.506-trillion 2021 General Appropriations Bill na kung saan napaagang naipadala sa Senado.

Sa halip Oktubre 28 ang orihinal na iskedyul sa pagpapadala sa House -approved budget ay naipadala na ito kahapon.

Hindi lamang umano nila pinasa ang proposed 2021 national budget sa takdang panahon kundi ipinasa nila ito sa isang paraang legal at naayon sa konstitusyon.

Ayon kay Velasco, dinagdagan ng Kamara ang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccines upang mas marami pang Filipino ang kabakunahan gayundin ang dagdag pondo sa facilities enhancement program ng Department of Health upang matulungan maisaayos ang health care system ng bansa. (Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.