Una sa Balita

Velasco, Ladon naki-Laro’t Saya

0 161

Pinangunahan ni 1992 Barcelona Olympic bronze medalist Roel Velasco at 2016 Olympian Joegin Ladon ang libreng pagtuturo ng boxing sa family-oriented at community physical fitness grassroots program na Philippine Sports Commission (PSC)-Laro’t Saya sa Parke PLAY N’ LEARN kahapon sa Quezon Memorial Circle.

Ikinatuwa ng nakakatandang kapatid ng 1996 Atlanta Summer Olympics silver medalist at 1994 Asian Games gold medal winner na si Mansueto “Onyok” Velasco na si Roel na makasama ang laro na boksing sa kada Sabado at Linggo na programa dahil maituturo ito sa lahat partikular sa mga bata, mga magulang, estudyante at nais matuto.

“Maganda na naituturo natin ito sa lahat, lalo na sa grassroots, dahil dito nila matututunan ang basics ng boxing pati na kung paano makapagsisimula na ma-develop ang skills nila habang bata pa sila. Kahit iyong mga nanay at tatay ay puwede din nila matutunan at mailapit at ituro sa kanilang mga anak,” sabi ni Velasco.

Ang 2016 Olympian na si Joegin Ladon at nakakatandang kapatid ng kasalukuyang national boxer at umaa­sam sa ikalawang sunod na pagtuntong sa Olympics na si Rogen Ladon ay hinikayat ang mga magulang na isama nila ang kanilang mga anak na babae at lalaki para makilaro’t saya at matuto ng iba’t ibang ginaganap na sports.

Umabot sa kabuuang 734 katao ang nakilaro at saya sa kada Sabado na programa sa paglalaro at pag-aaral ng badminton (38), boxing (18), chess (27), volleyball (13), senior citizen (43), at ang popular na zumba (595). (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy