Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vatican pinarusahan 2 bishop na palpak sa sex abuse

0 377

Nagpataw ng parusa ang Vatican laban sa dalawang Polish bishop na inakusahang walang ginawa sa mga reklamo ng sekswal na pang-aabuso laban sa kanilang mga pari.

Sa pahayag ng simbahan, kabilang sa mga binigyang parusa ay sina Archbishop Slawoj Glodz ng Gdansk at Bishop Edward Janiak ng Kalisz dahil umano sa paglabag sa canon law at kautusan ni Pope Francis noong 2019 na Vos estis lux mundi hinggil sa paglaban sa sexual abuse.

Inutusan ang dalawa na umalis sa kanilang mga dating diocese at pinagbawal na dumali sa mga pampublikong selebrasyon na may kinalaman sa relihiyon o lay meeting. Magbabayad din sila sa St. Joseph Foundation, na binuo noong 2019 para pondohan ang mga aktibidad at pagtulong sa mga biktima ng pang-aabuso.

Una rito, nag-resign na sina Glodz at Janiak noong 2020, kasunod ng mga apela dahil sa hindi nito pagtugon sa mga reklamong pang-aabuso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.