VAT sa pabahay, hinarang

By
0 189

Hinarang ng ilang senador ang panukala para patawan ng 12 percent Value Added Tax (VAT) ang murang pabahay sa bansa.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on ways and means na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara hinggil sa House Bill No. 5636 o ang tax reform package ng gobyerno, nagbigay ng mga saloobin kontra sa ilang probisyon ng panukala sina Sens. JV Ejercito, Sherwin Gat­chalian at Cynthia Villar.

Ayaw ng tatlong senador na alisin ang VAT exemption sa socialized housing dahil kapag binuwisan ito ay lolobo ang problema sa backlog sa housing.

Sinabi ni Ejercito, chairman ng Senate committee on urban planning, housing and resettlement, na ngayong exempted pa sa VAT ang socia­lized housing, higit na sa 5 milyon ang housing backlog.

“Ganun na nga ang problema natin, we have a very low production tapos papatawan pa ng VAT, it will certainly affect yung production,” katuwiran ng senador. 

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...