Una sa Balita

VAT-free sa kuryente inaprubahan; consumers makakatipid

By
0 17

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala na nagbabawal na patungan ng value-added tax (VAT) ang systems loss sa kuryente.

Nananalig si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, pangunahing may-akda ng House Bill No. 1616 na bago magtapos ang 2017 ay ganap na itong maisasabatas.

Inihayag ni Zarate na papalo sa P5.26 ang iba­baba ng singil sa bawat kilowatt hour ng kuryente kapag naging batas ang paglilibre sa VAT sa systems loss ng kuryente.

Ipinaliwanag ng kongresista na para sa pamil­yang kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay umaabot sa P10.52 ang matitipid.

Makakatulong aniya ito sa bawat pamilya ngayong nagtataas ang singil sa kuryente at mga pangunahing bilihin.

Binanggit din ni Zarate na pinag-aaralan na nila ang paghahain ng panukalang batas na tuluyang magbabawal sa paniningil ng systems loss na ipinapasa sa mga consumer.

“Hindi makatwiran na ang publiko ang nagbabayad ng systems loss dahil hindi naman nila ito pinakikinabangan,” giit ni Zarate.