Una sa Balita

VAT exemption sa mga gamot kontra cancer namumuro

By
0 447

PINAG-AARALAN ng gobyerno ang posibilidad na isama na rin sa mga dapat i-exempt sa Value Added Tax (VAT) ang mga gamot kontra cancer.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Domingo sa weekly economic forum sa Malacañang.

Sinabi ni Domingo na pinag-uusapan at pinag-aaralan na ng inter-agency working group, kasama ang ilang non-government organizations, na mapabilang ang anti-cancer na mga gamot sa mga medisinang hindi na papatawan ng VAT.

Kabilang sa mga exempted na sa VAT ay gamot sa hypertension, diabetes at mataas na cholesterol sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Hindi naman ikinukunsidera ng DOH na mai­sama sa VAT exemption ang mga gamot para sa mga nagda-dialysis dahil ang prayoridad ng gobyerno ay ang pang-araw-araw na maintenance ng mga senior citizen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy