Una sa Balita

Vargas napuwersang magbitiw bilang POC president

0 315

TULUYAN nang nagbitiw si Victorico “Ricky” Vargas bilang presidente ng Philippine Olympic Committee dahil sa pressure ng walong bataan sa 15-man POC executive board ng kalabang si Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr.

‘Di na sorpresa sa mga kasamahan ang hakbang ni Vargas Martes nang umaga pagkaraan ng POC e­xecutive board meeting sa POC office sa PhilSports sa Pasig City saktong 16 na buwan tapos niyang talunin sa atas ng korte na reeleksiyon noong Pebrero 2018.

Hinayag ni POC Communications Director Edgar Genaro Picson sa isang statement ang pagsusumite ni Vargas ng kanyang irrevocabler re-signation letter.

Dinahilan niya sa mga board member na ang corporate responsibilities at family sentiments ang dahilan sa kanyang pagbibitiw.

“There would be other sports leaders who would have the time and inclination needed to lead the POC more effectively,” statement ni Vargas na binasa ni Picson.

“After much introspection, I have determined that there would be other sports leaders who would have the time and inclination needed to lead the POC more effectively.”

Pero isang POC informant na ang nagsabing maraming kapalpakan sa desisyon ni Vargas, 67-anyos, at siya ring kasalukuyang Philippine Basketball Association chairman, ang nagpa-pressure sa kanyang bumaba sa puwesto.

Kasama rito ang overpricing ng Asics uniform ng Team Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games at ang pagbalangkas ng PHISGOC Foundation, Inc. na kaiba sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na umano’y kumikilos na sa paghahanda sa pagtataguyod ng bansa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nov. 30-Dec. 11.

Sa patakaraan ng hahalili sa kanya, si POC first vice president Jose ‘Joey’ Romasanta Jr., ang papalit sa nabakanteng puwesto. At mag-aangatan ang iba. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy